scrollwork top

be quiet.

curl left 17thday ofAugustin the year2009 curl right
¤

mouse.

may dumaang daga. ang liliit ng hakbang nya, nakakatuwa. pero kinikilabutan ako. wala namang nakakatuwa talaga sa dumaang daga. gusto ko sanang kunan ng litrato.

click click. taas baba ang arrow ng mouse sa monitor kong pang mayaman.

hindi ko na din alam kung ano pang gagawin ko ngayon. inaantok pero ayaw matulog. tinatamad pero walang balak tumigil sa kagagawa ng wala.

natutuwa ako sa kulay pulang ilaw ng mouse sa lamesa. walang ibang ilaw kundi ang liwanag ng monitor. madami kang mapapansin pag wala kang mapagtuunan ng pansin.

anino.

tumigil ka na daga. bakit ka ba takbo ng takbo? sino bang humahabol sayo? wala naman yata. praning ka lang talaga. kung tutuusin ay pwede ka pa ngang gawing alaga.

mahalin?

alagaan?

titigan ng ilang minuto bawat araw para lang masabing may pakialam ang amo mo sayo.

ipagmamalaki ka sa mga bisita.

“oi tignan nyo ung alaga kong daga, ang cute ano? antalas ng pangil nyan! tangina nyo kaya kayong patayin ng alaga ko!”

at oo, walang matatawa.

at oo, walang natutuwa.

kahit ikaw.

ang puti ng kisame ng kwarto, parang ang sarap sulatan. gawan ng storya. palitan ang disenyo. gawing personalized design.

wala namang masama diba? at kung gaganda naman e bakit hindi subukan. lagyan mo ng nakakatawang mensahe o kaya e drawing. para may mapagusapan pagkatapos ng climax.

ha. fucken. ha.

PUTANGINA!

nagsanib ang mga paa. tinapakan ng daga. napakaliit na tsansang mangyari iyon. pero nangyari na.

tingala. lunok. baling sa kanan. iling iling. hikab. pikit.

tulog.

zzz.

***

tapos pag-gising mo, nasa hawla na ang daga.

nahuli.

sa ilang minuto, babangon ka at pupunta sa banyo…dala ang daga.

ilalaglag mo siya sa inidoro.

iihian.

SHAME before EXECUTING.

at walang pasabi, ika’y mag-f-flush. at dahan dahang malulunod si kaibigang daga…papuntang kawalan.

ang tanging dasal nya ay sana buong buhay ka nang tamarin.

..|.. -______-]

scrollwork bottom
Theme by Robert Boylan   //   Driven by Tumblr.com